
Naglabas na ng iskedyul ang City Veterinary Office ng San Carlos City para sa libreng anti-rabies vaccination na isasagawa sa iba’t ibang barangay sa lungsod.
Ayon sa lokal na pamahalaan, mahalagang mapangalagaan hindi lamang ang kalusugan ng komunidad kundi pati na rin ang kapakanan ng mga alagang aso at pusa.
Ang nasabing programa ay gaganapin mula Abril 14 hanggang Abril 16, 2025.
Batay sa inilabas na schedule magsisimula ang programa Abril 14 sa Barangay Cobol at Barangay Mabalbalino Habang sa Abril 15 naman ay Barangay Payapa at Barangay Tandoc at ang panghuling schedule sa Abril 16 ay sa Barangay Capataan.
Layunin ng programa na mapabakunahan ang mga alagang hayop laban sa rabies upang maiwasan ang pagkalat ng sakit at mapanatiling ligtas ang buong komunidad.
Hinihikayat ng City Veterinary Office ang lahat ng pet owners na dalhin ang kanilang mga alagang aso at pusa sa itinakdang petsa at lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










