Magsasagawa ng libreng Anti-Rabies Vaccination ang lokal na pamahalaan ng Basistra para sa mga alagang hayop sa Brgy. Mapolopolo at Sitio Ambalingit, Basista, sa February 4, 2026, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng tanghali.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang bakuna ay para sa mga alagang aso at pusa at mga fur parents maging mga residente upang maitaguyod nang sabay ang kanilang kaligtasan mula sa banta ng rabies.
Ang aktibidad ay para sa mga alagang hayop na may edad tatlong buwan pataas, kinakailangang nakatali o nakalagay sa carrier at nasa magandang kondisyon upang tumanggap ng bakuna.
Layunin ng aktibidad na ito na mapanatiling ligtas at rabies-free ang komunidad.
Ang lahat ng residente ay hinihikayat na makiisa upang sama-samang maiwasan ang pagkalat ng rabies sa mga barangay.










