Sinimulan na ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang pagbibigay ng libreng random antigen test sa mga pasahero nito.
Ayon kay MRT-3 Director for Operations Mike Capati, isasagawa ang libreng antigen test sa apat na istasyon ng MRT mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
Ang mga boluntaryong sasailalim sa testing, libreng makakasakay sa tren basta sila ay negatibo.
Sakaling magpositibo, papayuhan ang pasahero na mag-self isolate o makipag-ugnayan sa kanilang local government unit para sa confirmatory RT-PCR test.
Samantala, tatagal hanggang January 31 ang libreng antigen testing ng MRT-3.
Facebook Comments