Libreng bakuna kontra Polio, isasagawa ng DOH ngayong araw sa ilang bahagi ng bansa

Sisimulan na ngayong araw ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng libreng bakuna kontra Polio sa ilang lugar sa bansa.

Isasagawa ang Synchronized Mass Vacination sa ilang lungsod sa Metro Manila at Mindanao.

Kaugnay nito, tutulong din sa programa ang Philippine Red Cross.


Una nang ipinaalala ng DOH sa mga magulang na makibahagi sa programa para maiwasan ang sakit na Polio.

Target ng PRC na mabakunahan ang nasa 20,000 bata sa Metro Manila.

Magtatagal ang Mass Vacinnation Program hanggang October 27.

Facebook Comments