Isasagawa sa darating na Oktubre 6, 2025 ang libreng pagbabakuna kontra rabies para sa mga alagang aso at pusa sa Urdaneta City Cultural and Sports Center, mula 8:00 AM hanggang 12:00 NN.
Layunin ng programa na maprotektahan hindi lamang ang mga alaga kundi pati na rin ang kalusugan ng mga tao laban sa panganib ng rabies.
Bahagi rin ito ng mas malawak na kampanya para sa ligtas at responsableng pag-aalaga ng hayop.
Inaanyayahan ang mga pet owners na dalhin ang kanilang mga alaga sa nasabing aktibidad upang makakuha ng tamang proteksyon laban sa sakit.
Sa pamamagitan ng libreng serbisyong ito, inaasahang mas maraming pamilya at komunidad ang magiging ligtas at protektado mula sa rabies.
Facebook Comments









