Libreng bakuna para sa senior citizens, isinulong ni Senator De Lima

Inihain ni Senator Leila De Lima ang Senate Bill No. 1641 na naglalayong mabigyan ng pamahalaan ng libreng bakuna ang mga senior citizen.

Nakapaloob sa panukala ang mga bakuna laban sa Influenza virus, Tetanus, Diphtheria, Pertussi, Pneumococcal disease at iba pang aprubado ng Department of Health (DOH).

Tinukoy ni De Lima ang pahayag ng pulmonologist na si Dr. Joel Santiaguel na ang mga nakatatanda ay higit na delikadong masawi sa mga sakit na maaaring hadlangan ng bakuna.


Diin pa ni De Lima, itinatakda ng Konstitusyon na bigyang prayoridad ng gobyerno ang pagtulong sa mga senior citizen na maituturing na special class of individuals at may naging ambag sa lipunan noong sila ay bata at malalakas pa.

Kapag naisabatas ang panukala ay magiging dagdag itong benepisyo sa umiiral na Senior Citizens Act of 2010.

Facebook Comments