LIBRENG BIGAS, IPINAABOT SA CORDON AT SAN GUILLERMO

CAUAYAN CITY – Naipaabot na sa mga benepisyaro sa bayan ng Cordon at San Guillermo ang kanilang libreng bigas.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela kung saan nasa mahigit dalawang libo ang naabutan ng bigas na kinabibilangan ng mga barangay frontliners, PWD’s, mangingisda, at TODA Members.

Layunin ng pamamahagi na masigurong may sapat na bigas na makakain ang mga benepisyaro.


Ang nasabing programa ay sa ilalim ng pamumuno nina Governor Rodito T. Albano III at Vice Governor Faustino “Bojie” G. Dy III.

Magpapatuloy naman ang gagawing pamamahagi ng libreng bigas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa mga sususnod na araw.

Facebook Comments