Cauayan City – Muling nakatanggap ng libreng bigas ang mga kapulisan sa lalawigan maging ang pamilya ng mga bayaning pulis kahapon, ika-11 ng Disyembre.
Ang pamamahagi nito ay sa ilalim ng Project Lifelong Assistance Resilience to the Bereaved Compassion o LABB CARE ng PNP Isabela.
Bawat isa sa mga benipesyaryo ay nakatanggap ng dalawang sako ng 10 kilong bigas mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.
Ang simpleng tulong na ito ay isa sa mga pangako ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa iniwang pamilya ng mga bayaning pulis at bilang pagkilala na rin sa kanilang kabayanihan at serbisyo.
Samantala, nakatakda ring isagawa ngayong buwan ang distribusyon ng Rice Subsidy para sa iba pang kapulisan sa buong lalawigan.
Facebook Comments