LIBRENG BINYAG SA SIMBAHAN, INILUNSAD NG LGU ECHAGUE

CAUAYAN CITY – Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Echague ang lahat na may mga anak o kamag-anak na hindi pa nabibinyagan na mga rehistro na para sa isasagawang Binyagang Bayan sa Simbahan.

Ang programa ay inisyatibo ni Mayor Kiko Dy, Liga ng Barangay Pres. Jessica Dy sa pakikipagtulungan ng Shrine and Parish of St. Joseph the Worker.

Ang tentative ng nasabing Binyagang Bayan ay sa October 2024 habang ang deadline of submission naman ay sa September 5, 2024.


Iniimbitahan na makiisa sa naturang aktibidad ang mga hindi pa nabibinyagan sa simbahan na kinabibilangan ng 0-12 years old, isa sa magkasintahan na hindi nabinyagan na sasali sa kasalang bayan sa simbahan, at kinakailangan rin na mula ito sa Isabela.

Pinapayuhan ang mga nais dumalo na magdala ng Birth Certificate, Marriage Certificate of Parents, at Permission to Baptize outside Parish para sa mga hindi residente ng Echague.

Facebook Comments