Isasagawa ang libreng binyagan para sa mga batang Mangaldenian na may edad pitong taong gulang pababa sa darating na Marso 4, 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ng bayan.
Ayon sa Municipal Civil Registrar Office (MCRO), maaaring magparehistro ang mga magulang mula Lunes hanggang Biyernes dala ang mga itinakdang requirements kabilang ang dalawang kopya ng birth certificate, listahan ng isang pares ng ninong at ninang, Endorsement Letter, at Certification of No Record Baptism mula sa mga parokya ng barangay.
Magtatapos ang pagsusumite ng aplikasyon sa Pebrero 27.
Samantala, gaganapin ang seremonya sa St. Thomas Aquinas Parish simula alas-10 ng umaga. Kalakip nito ang paalala sa mga kalahok na magsuot ng puting damit bilang inirerekomendang angkop na kasuotan sa pagbibinyag. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










