LIBRENG BUNOT TUWING MIYERKULES, NAGSIMULA NA SA SAN QUINTIN

Nagsimula nang umarangkada ang libreng dental services sa San Quintin ngayong Disyembre.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng pagkakataon na malayang makapagpatingin ang mga residente nang walang iniisip na responsibilidad sa pinansyal.

Sa unang araw ng operasyon kahapon, December 3, nakapagtala na ng 32 pasyente ang dental clinic sa Rural Health Unit.

Tuwing Miyerkules, simula 9AM hanggang 3PM, bukas ang pasilidad para sa libreng bunot ng ngipin para sa mas malusog na ngiti ng bawat residente.

Samantala, tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na makakatanggap ang bawat Quintinian ng libre at abot-kayang serbisyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments