Libreng buwis sa mga balikbayan box, niluwagan na ng BOC

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni Bureau of Customs Commissioner Isidro Lapeña na maluwag na ang patakaran para sa libreng buwis sa mga balikbayan box.

Ayon kay Lapeña ay naturang hakbang ay matapos suspindihin ng BOC ang guidelines sa Tax free balikbayan boxes ng hanggang sa Marso 31, 2018,

Paliwanag ng opisyal na partikular na ipinagpaliban ang Administrative Order 05-2016 at Customs Memorandum Order 04-2017.


Anya sa ilalim ng nabanggit na patakaran, ang mga OFW na nagpapadala ng balikbayan boxes ay obligado na magsumite ng kopya ng kanilang pasaporte para makapag-avail ng Tax exemption sa naturang kargamento..

Nakapaloob din sa dalawang guidelines ang pag-sumite ng photocopy ng invoice at resibo ng mga item na nasa loob ng mga padala mula sa OFW’s.

Giit ni Lapeña dahil sa suspensyon ng patakaran, pansamantalang paiiralin ang dating guidelines kung saan ang mga nabanggit na requirements ay hindi na hihilingin hanggat ang halada ng shipment ay hindi lalampas sa 150 libong piso.

Facebook Comments