LIBRENG CELLPHONE CHARGING STATION, HANDOG NG MGA GOOD SAMARITANS SA PANGASINAN

Dahil sa malawakang pagkawala ng kuryente dulot ng Bagyong Uwan, maraming residente sa lalawigan ang nahirapan sa komunikasyon.

Bilang tugon, ilang business owners, organisasyon, at simbahan ang naglunsad ng libreng cellphone charging stations upang matulungan ang mga naapektuhan.

Isa na rito ang Mary Help Christian Parish Church sa Basista, kung saan maaaring mag-recharge ang mga residente ng kanilang gadgets.

Isang non-government organization naman ng nagdala ng free charging services sa iba’t ibang barangay halls sa Mangaldan, samantalang isang auto service business sa Malasiqui ang nagbigay ng tulong gamit ang kanilang generator.

Ayon sa mga benepisyaryo, malaking ginhawa ang dulot ng ganitong serbisyo dahil pangunahing gamit nila ang cellphone sa pakikipag-ugnayan sa pamilya, pag-access sa impormasyon, at pag-aalerto sa oras ng kalamidad.

Ipinapakita ng mga inisyatibong ito ang diwa ng bayanihan at malasakit sa kapwa, at laking pasasalamat ng mga residente sa mga nagbigay ng tulong sa oras ng pangangailangan.

Facebook Comments