CAUAYAN CITY- Nagkaroon ng libreng charging station ang Lokal na Pamahalaan ng Angadanan matapos ang pananalasa ni Bagyong Nika.
Ang naturang charging station ay hatid sa mga mamamayan ng Angadanan upang mai-charge ang kanilang mga gadgets matapos mawalan ng suplay ng kuryente sa lugar matapos ang naranasang malalakas na hangin at matinding buhos ng ulan.
Nagbukas naman ito kahapon, ika-12 ng Nobyembre bandang alas sais ng umaga hanggang alas sais ng hapon kung saan nagpadala ng reinforcement si Oscar Bangayan ng Isabela State University-Angadanan Campus bilang karagdagang charging stations.
Bukod sa bayan ng Angadanan, nagbibigay rin ng libreng charging station ang ilang barangay sa Lungsod ng Cauayan at mga pribadong establisyemento para sa mga indibidwal na nangangailangan nito.