Libreng Check-up, Operasyon sa Mata, Isinagawa ng Provincial Govt ng Isabela

18

Cauayan City, Isabela- Inoperahan at sumailalim sa libreng check-up ang ilan sa mga Isabelinong may problema sa mata sa pamamagitan ng “Sagip Mata Sagip Buhay” program ng Pamalaang Panlalawigan ng Isabela.

Ito ay pinangunahan ni Isabela Governor Rodito Albano III na layong mabigyan ng pansin ang mga taong walang kakayahan o hindi kayang bayaran ang pagpapatingin o pagpapaopera sa mata lalo na ang mga senior citizens at sa mga PWD’s.


Nabigyang lunas naman sa nasabing programa ang ilan sa mga Isabelino na nagmula sa Brgy. Casibarag Norte, Brgy. Balasig, Brgy. Luquilu, Brgy. Masipi East at West sa bayan ng Cabagan; Brgy. Balug, Brgy. Maligaya sa bayan ng Tumauini; Brgy. Magsaysay, Naguilian; Brgy. Turayong, Cauayan City at Brgy. Baculud, Brgy. Baligatan sa City of Ilagan, Isabela.

Bukod dito, nabigyan din ng libreng salamin sa mata ang mga benipisyaryo ng nasabing programa.

Facebook Comments