Libreng community testing, isasagawa sa Navotas City simula ngayong araw hanggang July 31

Hinihimok ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang mga residente, lalo na ang mga confirmed, probable at suspected cases ng COVID-19, na sumailalim sa libreng community testing.

Ito ay isasagawa ngayong araw hanggang sa July 31, 2020 kung saan target na 1,000 araw-araw ang dadalhin sa Palacio de Maynila sa Malate para sa swab test.

Para makapagpa-test ay kinakailangan lamang makipag-ugnayan sa mga barangay at magpasa ng form at ID para makapagpa-schedule.


Magsasagawa rin ng lockdown testing mula ngayong araw hanggang July 25, 2020 kung saan prayoridad ang mga senior citizen, buntis, menor de edad at mga PWD.

Aabot naman sa 9,500 na swab test ang kabuuang testing na naisagawa sa lungsod.

Facebook Comments