Abalang-abala ang opisina ni Vice President Leni Robredo para paigtingin ang testing sa mga komunidad.
Dinala ni Robredo ang programang Swab Cab sa iba’t ibang bahagi ng bansa para makatulong sa pagpigil ng pagdami ng kaso ng COVID-19 sa mga lugar na may mataas na transmission rates.
Sa loob ng ilang buwan, nakapag-test ng libo-libong Pilipino ang OVP sa Quezon City, Malabon, Marikina City, Imus sa Cavite, Naga City sa Camarines Sur, Tuguegarao, Cagayan Province, Cebu at Palawan.
Para naman sa mga nagpopositibo ang resulta, binibigyan ng opisina ni VP Leni ng relief packs at hygiene kits ang mga pasyente pati ang mga pamilya nito.
Facebook Comments