Ibabalik na ng Department of Tourism (DOT) ang libreng COVID-19 RT-PCR tests sa mga lokal na turista simula Enero 28,.
Ayon kay Tourism Undersecretary Woodrow Maquiling Jr., pansamantalang sinuspinde ng DOT ang libreng COVID-19 RT-PCR tests nang tumigil ang Philippine Children’s Medical Center (PCMC) laboratory sa pagtanggap ng sample dahil nagpositibo sa virus ang kanilang staffs.
“Medyo na-infect din sila at they have to… iyong mga encoders nila at iyong mga personnel nila kailangan din mag-ano… mag-isolate muna. But we will resume this, by January 28 for the start of the travel ng mga turista on January 31 and onwards. So, hopefully you know gagaling iyong mga tauhan natin then iyong mga partner establishments natin especially PCMC and hopefully we can go back to our testing para sa libreng PCR test cost ‘no,” ani Maquiling
Sa ilalim ng programa ng DOT, 350 aplikante kada araw ang nabibigyan ng libreng RT-PCR tests sa PCMC.