LIBRENG DERMATOLOGICAL SERVICES, MAYROON NA SA EASTERN PANGASINAN

Maari nang magamot nang libre ang problema at kondisyon sa balat sa out-patient department ng isang government-run hospital sa Eastern Pangasinan.

Aarangkada ito tuwing Martes sa loob ng apat na oras mula alas otso ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.

Kabilang sa mga kondisyon na tinatanggap gamutin ay alopecia, keloid, psoriasis, herpes, eczema at ilan pang kondisyon sa balat.

Walang listahan at tanging walk-in lamang na mga pasyente ang aasikasuhin pagkatapos masuri ng doctor sa out-patient clinic.

Paalala ng ospital, umiiral ang First Come, First Serve basis sa mga libreng medical check-up at services para sa publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments