LIBRENG DEWORMING, IBINABAHAGI SA MGA ALAGANG HAYOP SA SAN NICOLAS

Kasalukuyang nagsasagawa ng libreng deworming at pamimigay ng bitamina ang Lokal na Pamahalaan ng San Nicolas para sa mga alagang hayop mula Oktubre 20 hanggang Nobyembre 21.

Sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office, isasagawa ang programa sa 24 na barangay ng bayan na magsisimula tuwing alas-8 ng umaga.

Layunin ng programa na mapanatili ang kalusugan ng mga alagang hayop, mula sa maliliit hanggang sa malalaking uri, sa pamamagitan ng proteksyon laban sa malnutrisyon at mga parasitiko.

Pinapaalalahanan din ang mga nais magpabakuna o magpa-deworming na maghanda ng “lipit” o chute para sa maayos na paghahawak ng kanilang mga alaga.

Hinimok naman ng lokal na pamahalaan ang mga nag-aalaga ng baka, kalabaw, kambing, at tupa na makiisa sa libreng serbisyong ito para sa kapakanan ng kanilang mga alagang hayop.

Facebook Comments