LIBRENG EDUKASYON | Isang milyong SHS students na ga-graduate ngayong taon, tiwalang makakapasok sa kolehiyo

Manila, Philippines – Tiwala ang Department of Education (DepEd) na makakapagpapatuloy sa kolehiyo ang mahigit isang milyong senior high school students na magtatapos sa buong bansa ngayong taon.

Pinaraming estudyante ang magtatapos sa academic course na nasa higit 61%, sunod dito ang mga kumuha ng technical-vocational-livelihood na halos 40%, 0.38% sa arts and design at 0.17% naman sa sports.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ito ang unang batch ng mga mag-aaral na magtatapos ng K-to-12 program.


Pagtitiyak pa ng kalihim, hindi dapat mag-alala ang mga magsisipagtapos sa senior high school kung gusto man nilang magpatuloy sa kolehiyo dahil libre na ang matrikula sa mga state universities and colleges.

Facebook Comments