Manila, Philippines – Iginiit ni Senador Bam Aquino na kayang gastusan ang pamahalaan ang libreng edukasyon sa kolehiyo kahit walang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Tugon ito ni Aquino sa pahayag ng pamahalaan na maaapektuhan ang libreng edukasyon sa kolehiyo kapag sinuspindi ang TRAIN Law.
Katwiran ni Aquino, may sapat na pondo ang pamahalaan para sa tuluy-tuloy na implementasyon ng libreng edukasyon sa kolehiyo, kahit mawala pa ang inaasahang P70 bilyon kapag ini-rollback ang excise tax sa produktong petrolyo sa ilalim ng TRAIN Law.
Ipinunto pa ni Aquino na umabot P390 bilyon ang underspending ng administrasyon noong 2017 na sobra sobra pa para sa P41 bilyon budget para sa libreng edukasyon sa kolehiyo ngayong 2018.
Facebook Comments