Sa kasalukuyan, mahigit 200 na mga estudyante ang naka-enroll sa akademya, at inaasahang madaragdagan pa ito ng halos 100 pang mag-aaral.
Layunin ng akademya na bigyan ng pagkakataon ang mga kabataang atleta, partikular yaong mula sa mga underprivileged na sektor, na makapagtapos ng pag-aaral habang sabay na pinauunlad ang kanilang kakayahan sa larangan ng isports.
Inaasahan din na sa pamamagitan ng programang ito, makapagprodyus ang bansa ng mga world-class athletes na maaaring makipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon.
Kabilang din sa mga hinaharap na plano ng NAS ang pagpapalawak ng kanilang operasyon sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga karagdagang kampus sa iba’t ibang rehiyon ng bansa upang mas marami pang batang atleta ang matulungan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣




