Manila, Philippines – Pirma nalang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang sa “Universal Access to Quality Tertiary Education Act” o ang libreng pag-aaral sa unibersidad at kolehiyo ng gobyerno.
Pero paglilinaw ng pangulo, wala pa siyang pinal na desisyon hinggil sa bagay na ito.
Una rito, inihayag ng Dept. of Budget Management na wala pang kasiguraduhan ang libreng edukasyon sa mga State Universities and Colleges (SUCS) para sa susunod na taon.
Giit ni Budget Secretary Benjamin Diokno, wala pang sapat na pondo ang pamahalaan para sa free higher education, na aabutin umano ng halos isandaang bilyong piso.
Dahil dito, nagbanta ang ibat-ibang grupo ng mga estudyante na magsasagawa ng kilos protesta.
Nangangamba din kasi ang mga ito na baka tumaas ang matrikula sa mga SUCS.