Umarangkada na kahapon, Abril 8, ang libreng electric vehicle shuttle service mula Balaoan, La Union patungong San Fernando City at Bacnotan, isang hakbang patungo sa mas ligtas at sustainable na transportasyon sa bayan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ilang byahe para sa dalawang electric vehicle ang itinakda sa isang araw upang mapadali ang pagkokomyut ng mga residente.
Magsisimula ang first trip patungong Bacnotan ng alas sais y media ng umaga, habang isang unit naman ang may ruta patungong San Fernando City.
Ekslusibo lamang ang serbisyo para sa mga residente ng Balaoan kaya inabisuhan ang mga mananakay na magdala ng valid ID na nakasaad ang residency sa bayan.
Wala pang tiyak na petsa kung kailan posibleng maudlot ang serbisyo ngunit tiniyak ang patuloy na hakbang upang suportahan ang sektor ng transportasyon sa kabila ng krisis sa langis. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










