LIBRENG EYE AT DENTAL CHECK-UP, HATID SA MGA PERSONNEL NG PNP ISABELA

Cauayan City – Nabenipisyuhan ng libreng eye at dental check-up ang mga personnel ng PNP Isabela sa pagdiriwang ng PNP Family Day.

Naging makabuluhan at matagumpay ang naging selebrasyon ng PNP Family Day sa Isabela Police Provincial Office dahil bukod sa libreng serbisyong medikal para sa mga personnel at kanilang pamilya ay nagkaroon rin sila pagkakataon na makasama ang kani-kanilang pamilya sa mahalagang araw na ito.

45 indibidwal ang nakinabang sa libreng eye check-up, habang 13 naman ang nakatanggap ng libreng dental check-up.


Ang aktibidad na ito ay isa sa mga paraan ng pagbibigay pagkilala sa dedikasyon ng kapulisan na siya ring makatutulong sa pagpapataas lalo ng kanilang moral upang makapaghatid ng mas mahusay at epektibong serbisyo sa publiko.

Facebook Comments