Bukas para sa lahat ng mga Dagupeño ang programang ‘Free Eye Check-Up’ ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa darating na August 13, sa kasalukuyang taon.
Ito ay maaaring iavail ng mga residente sa lungsod mapabata man o matanda, bilang bahagi sa umiiral na adhikain ng alkalde na Alagang Healthy Dagupeño.
Magsisimula ang libreng serbisyong medikal sa nasabing petsa sa oras ng alas otso ng umaga at maaari nang kumuha ng mga forms sa mga home visit nurses, BHWs, City Health Office, at sa City Mayor’s Office para sa mga nais magpasuri ng kanilang mata.
Samantala, sa kabila ng naranasang nagdaang epekto ng bagyong Egay sa Dagupan City ay muli nang ipinapagpapatuloy ang mga proyekto at programang nagtataguyod sa kapakanang pangkalusugan ng mga Dagupeño. |ifmnews
Facebook Comments