
Ilulunsad sa bayan ng Binalonan ang libreng eye check-up para sa mga residenteng nakararanas na ng problema sa mata.
Ang naturang serbisyo publiko ay ang Oplan Balik-Tanaw Program FREE EYE SCREENING para sa mga residenteng mayroong glaucoma and cataract na handog ng of t Region 1 Medical Center sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Binalonan at ng Provincial Government ng Pangasinan on March 3, 2023.
Inaanyayahan ngayon ng lokal na pamahalaan ang mga residente na makilahok sa libreng ganitong aktibidad upang masolusyunan na rin ang problema ng mga hirap lalong lalo na sa kanilang paningin.
Para makalahok sa aktibidad ay kailangang makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga barangay officials o kung sinuman ang naninilbihan sa lugar upang magpatala kung saan bukas, March 1 na ang itinalagang deadline. |ifmnews
Facebook Comments









