Libreng face mask na nagawa at naipamahagi ng Manila City Government, nasa mahigit 1.4 milyon na

Umabot na sa 1,436,079 ang washable face masks na nagawa at naipamahagi sa publiko ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila.

Ang nabanggit na mga washable face masks ay gawa ng mga mananahi at master cutter na kasali sa “Face Mask Sewing Livelihood Program” ng lungsod.

Ito ay programa na pinangangasiwaan ng Public Employment Service Office (PESO) sa Maynila.


Ipinagmalaki ni Mayor Isko Moreno na sa nabanggit na programa ay nabigyan ng pagkakataon ang mga mahihirap na Manileño na magkaroon ng marangal na trabaho sa gitna ng pandemya.

Diin pa ni Moreno, malaking tulong naman ang naipamahaging libreng face mask sa pagbibigay proteksyon laban COVID-19.

Facebook Comments