Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na mamamahagi ang pamahalaan ng libreng face masks sa bawat Pilipino para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, dapat magbigay ang gobyerno ng bagong masks sa mga tao matapos niyang mapansin na may ilan ang nagsusuot ng pinaggamitang face mask.
Iginiit ng Pangulo na hindi talaga makakasunod ang mga tao sa health protocols kung pambili na aniya ng face masks ay wala.
Nakiusap si Pangulong Duterte sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at sa barangay captains na tumulong sa pamamahagi ng face mask sa mga komunidad.
Facebook Comments