Libreng face masks, ipinapamigay sa loob ng Quiapo Church

Aabot sa 50,000 face masks ang ipinapamigay sa mga deboto ng Itim na Nazareno sa loob ng simbahan ng quiapon.

Ang nabanggit na face masks ay ibinigay ng Manila Public Employment Service Office sa pamunuan ng Quiapo Church bilang bahagi pagbibigay proteksyon sa mga deboto laban sa COVID-19.

Nabatid na ala-4:30 ng madaling araw kanina nang sinimulan ang unang misa sa Quiapo Church kaugnay sa kapistahan ng Itim na Nazareno.


Mayroong 15 misa ang idaraos sa Quiapo Church ngayong araw kung saan 400 mga deboto lamang ang papayagan sa loob kada misa para masunod ang social distancing.

Sa paligid naman ng Quiapo Church, mayroong 12 LED screens ang inilagay kung saan mapapanood ang misang nagaganap sa loob ng simbahan.

May contact tracing form din na kailangang sagutan ang mga papasok sa loob ng simabahan.

Habang may mga kalsada rin sa lungsod ang isinara simula pa alas-10 kagabi. kinabibilangan ito ng:

– Southbound lane of Quezon Blvd. (Quiapo), from A. Mendoza/Fugoso to Carlos Palanca St.
– Northbound Lane of Quezon Blvd from Carlos Palanca St. to Fugoso St.
– Westbound lane of España Boulevard from P. Campa to A Mendoza St.
– Stretch of Evangelista St. from P Paterno St. to Recto Ave.
– Stretch of Palanca St. from Carriedo/Plaza Lacson to P Casal St.

Facebook Comments