Umarangkadaa ang Libreng Flu Vaccination sa Mangaldan ngayong araw sa pangunguna ng Municipal Health Office.
Katuwang ang Department of Health, inihatid sa mga residenteng nasa edad 18 anyos pataas ang mga libreng flu vaccine kung saan pinaka-prayoridad ang mga senior citizens.
Hinimok rin ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan na magpabakuna upang mabigyan ng katiyakan na sila’y malusog at makapagbigay ng epektibong serbisyo publiko.
Layon ng naturang aktibidad na magkaroon ng malusog na komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng bakuna nang sa gayon ay mapanatiling protektado laban sa mga naglipanang sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments