Umarangkada ang ang libreng pagbibigay ng flu vaccine sa mga residente ng Mangaldan. Layunin ng programang ito ng lokal na pamahalaan na protektahan ang mga mamamayan mula sa mga sakit dulot ng pabago-bagong lagay ng panahon.
Prayoridad sa naturang aktibidad ang mga senior citizens, ngunit bukas din ito para sa mga residente na may edad 18 pataas.
Ipapatupad ang sistemang “first come, first serve,” kaya’t hinihikayat ang mga residente na magtungo nang maaga sa mga itinalagang vaccination sites upang makuha ang kanilang flu vaccine.
Hinihikayat Ang mga residente na pangalagaan Ang katawan lalo na ngayong nararanasan ang malamig na Klima sa Gabi at umaga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments