Libreng funeral expenses, pinagkakaloob ng pamahalaang lokal ng Dasmariñas

Manila, Philippines – Makakahinga na ng maluwag ang mga residente ng Dasmariñas Cavite mula sa funeral expenses o gastusin sa pagpapalibing ng kanilang yumaong mahal sa buhay.

Nag-aalok kasi ng libreng cremation services ang pamahalaang lokal ng Dasmariñas sa lahat ng residente at registered voters na nasa laylayan ng lipunan.

Sa Facebook post ni Dasmariñas City Mayor Elpidio Barzaga Jr., nakahanda ang local na pamahalaan na tulungan lahat ng residente ng lungsod at rehistradong botante na sagutin ang mahal na gastusin sa pagpapalibing.


Sinabi naman ni Liezl Camaganacan, officer-in-charge ng “Panteon de Dasmariñas” public cemetery na ang cremation services ay gagawin sa public cemetery ng lungsod sa Barangay Sampaloc IV.

Pinayuhan ni Camaganacan, ang mga nais na mag avail ng libreng cremation services, na magsumite ng kanilang request ng personal, habang ang proseso ng libreng cremation services ay aabutin ng minimum na tatlong araw.

Sa tantiya ng opisyal, ang serbisyo sa pagsusunog ng bangkay ay naglalaro sa halagang P19,000 hanggang P25,000, hindi pa kasama ang urn.

Bukod dito, nag alok din ang local na pamahalaan ng abot kayang o affordable plan para sa mga nonresidents na may minimal fee na PHP 8,000, sakop na ang cremation services at urn.

Facebook Comments