Manila, Philippines – Muling binuhay ng Department of Health (DOH) ang community-based healthcare program na pitong taon ding nawala.
Ito ay ang ‘Botika ng Bayan’ (BNB) program na layuning magbigay ng libreng gamot bilang panglaban sa common diseases.
Target ng programa ang mga mahihirap na komunidad.
Ayon kay Health Undersecretary Enrique Domingo, plano ng ahensya na magkaroon ng BNB sa 2,600 rural health units at iba pang government centers pagdating ng taong 2022.
Ang health care program ay dating flagship program ng administrasyon ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo at pansamantalang itinigil ng ahensya noong 2011 para matugunan ang kawalan ng supervising pharmacist at supply ng epektibong generic medicines.