Libreng gamot kontra leptospirosis, libreng ipamimigay ng Caloocan LGU

Inanunisyo ng lokal na pamahalaan ng Caloocan na maaaring makakuha ang bawat residente ng libreng gamot kontra leptospirosis sa alinmang health center sa lungsod.

Partikular na hinihikayat ng Caloocan LGU ang mga indibdwal na na-expose sa baha lalo na ang boluntaryong tumulong sa rescue teams.

Nabatid na prayoridad ng lokal na pamahalaam ang lahat ng lumusong sa baha para mabigyan ng prophylaxis kontra leptospirosis.


Bukas naman ang lahat ng mga health center sa lungsod simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon para asikasuhin ang nangangailangan ng atensyong medikal.

Paalala ng Caloocan LGU sa bawat residente na maiging magpakonsulta kaagad sa mga health centers kung may nararamdaman sintomas ng leptospirosis tulad ng lagnat, pananakit ng iba’t ibang parte ng kalamnan, pananakit ng ulo at pamumula ng mata.

Facebook Comments