Manila, Philippines – Umapela ang Palasyo ng Malacañang sa publiko lalo sa mga mga mahihirap na samantalahin ang libreng gamot na ibinibigay ng pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, malaki ang pondong hawak ng Department of Social Welfare and Development dahil mahigit 15 milyong piso pa lamang ang nababawas sa 1 bilyong pisong ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte para ipambili ng mga gamot para sa mga mahihirap.
Sinabi ni Abella na mula Enero hanggang Abril ay nasa mahigit 2 libong mahihirap na pasyente pa lamang ang nakagagamit ng nasabing pondo sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga libreng gamot mula sa DSWD.
Dahil dito ay hinikayat ng Malacañang ang mga mahihirap na pamilya na lumapit sa DSWD para makakuha ng libreng gamot at reseta lamang aniya ang kailangan para ito ay makuha.
DZXL558