Delay umano ang pagdating ng mga libreng gamot sa siyudad ng dagupan kaya naman apektado ang ilang mga senior citizens para sa kanilang maintenance at ang ilan naman ay tinitipid na lamang ang kanilang natitirang gamot.
Nagpaliwanag naman ang City Health Office ng siyudad sa kakulangan ng libreng gamot dahil nga sa kontrobersiya ng 367 Million na halaga ng mga expired na gamot sa Department of health.
May dumating umanong 200 boxes ng gamot ngunit aabot lamang sa isang linggo ayon sa city health office, dahil sa dami ng pasyente nila araw-araw.
Samantala, nagbigay naman umano ng budget ang lokal na gobyerno para sa pagbibigay ng gamot para sa mga rural health center.
Facebook Comments