Libreng gamot sa mga health centers sa QC, pinapatiyak ngayong tag ulan

Tiniyak ni QC Mayor Joy Belmonte na may sapat na libreng mga gamot at kaukulang ayuda sa mga health center sa lunsod laluna ngayong panahon ng tag ulan.

 

Pina-alalahanan din ni Belmonte ang mga taga lunsod na ugaliing ingatan ang kalusugan na karaniwang lumalabas sa panahon ng tag ulan katulad ng mga kaso ng dengue, leptospirosis, phemonia, sipon, ubo kapag umuulan.

 

Sa ginawang pag iikot  ni Belmonte sa mga barangay sa lunsod, nakita niya ang mga kakulangan sa serbisyo sa kalusugan na aniya ay kanyang tututukan para mapangalagaan ang kapakanan ng mga taga QC.


 

Nakipagpulong na si Belmonte kay DOH NCR Regional Director Dr. Corazon Flores kasama ang kanyang team hinggil sa mga plano at programa ng Department of Health sa QC kabilang na ang paglalaan ng 48 tauhan ng DOH sa QC na kabibilangan ng 34 nurse,12 midwife at 2 tauhan na tutulong na mapangalagaan ang kalusugan ng mga taga QC.

 

Sinabi ni Dir. Flores na sa 6,303 cases ng dengue sa bansa, 29 percent nito ay mula sa QC at kalimitan naman ng nagkakasakit ng leptospirosis ay mga laborers at garbage collectors na tinutulungan magamot ng DOH.

 

Sa latest update ng QC Epidemiology and Surveilance Unit as  of JUne 1,2019 mula January 1 , nagkaroon ng 42 leptospirosis cases sa  QC. Walo dito ang namatay sa sakit. Tatlo ang namatay sa District 1,  Dalawa sa district 4 at tig isa sa District 2, district 3 at district 6. ANg walong namatay ay mula sa barangay Sauyo, Vasra, Bahay Toro, Damayan,Pinyahan, Tatalon, San Roque at Payatas.

 

Ang barangay Payatas ang may pinaka maraming nagkaroon ng leptospirosis. Pawang edad mula 41 anyos hanggang 50 anyos ang dinapuan ng naturang sakit

 

Sa kaso ng dengue sa QC, as of JUne 1,2019 mula January 1,2019 ay may 1,752 cases ang naitala ng QC Epidemiology and Surveilance Unit .Mas mababa ang naitalang kaso ngayong 2019 kung ikukumpara sa  2,225 dengue case noong 2018 sa kaparehong period.

 

Ang district 4 ang may pinaka maraming bilang ng kaso ng dengue.10 na ang namatay dahil sa sakit. Ang barangay holy Spirit ang nakakuha ng pinaka mataas na bilang ng dengue na nagtala ng 77 cases,sinundan ng Batasan Hills-69 cases at barangay Kamuning-61 cases.

 

Mula sa Barangay Tatalon at Payatas ang tig dalawang kataong namatay sa dengue. Tig isa naman ang nasawi sa dengue sa barangay Bagong Silangan,Bahay Toro,Capri,Gulod, Sangandaan at Project 6.

 

64 percent ng naitalang kaso ng dengue ay mga lalaki na may edad isa hanggang 10 taon.

 

Umaasa si Belmonte na higit pang bababa ang kaso ng naturang mga sakit ngayong tag ulan dahil sa palalakasing mga programang pangkalusugan sa lunsod para sa kapakanan ng lahat ng mamamayan ng QC.

Facebook Comments