Libreng Gamot Sa Mga Mahihirap Na May Sakit, Ipinanako Ng Pangulo Ngayong Kapaskuhan

22

MANILA – Maglalaan ng dalawang bilyong pisong pondo para sa libreng gamot si Pangulong Rodrigo Duterte.Ayon sa pangulo, padadaanin ang pondo sa Dept. of Social Welfare and Development o DSWD.Anya ngayong kapaskuhan – titiyakin niyang magkakaroon na ng libreng gamot ang mga mahihirap na may sakit.Handa rin ang pangulo na magbigay ng pondo para sa mga rehabilitation ng mga lulong sa droga na gustong magbagong buhay.Sa huli, nanawagan ang pangulo sa mga addict na itigil na ang paggamit ng ilegal na droga dahil hindi titigil ang pamahalaan sa kanilang kampanya para masawata ito sa bansa.

Facebook Comments