Inihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na wala ng dapat alalahanin pa ang mga residente ng Quezon lalung lalo na ng mg Senior Citizen sakaling silay magkakasakit dahil magkakaroon na ng libreng gamot para sa mga Senior Citizen at libreng bakuna sa mga Health Center na mayroong nakatalaga ng isang Doktor.
Sa kanyang talumpati sa Inagurasyon ng lahat ng mga opisyal na nanalo sa QC sinabi ni Belmonte na sa unang 100 araw ng kanyang panunungkulan ay gagawin nito ang Lungsod Quezon katulad ng Singapore na walang palakasan lahat ng mga transaksyon ay dadaan sa tama at legal na proseso.
Naniniwala si Mayor Belmonte na kailangan aniya na makakain ng wasto at tama, mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente ng Quezon, kailangan din magkaroon ng maayos na tirahan,kaaya ayang kapaliigiran at ligtas sa anumang kapahamakan ang mga residente ng Lungsod.
Giit ng alkalde na kailangan niya ng impormasyon at tamang data upang matugunan ang pangangailangan ng mga residente ng QC dahil hindi umano kailangan manghula dapat accurate ang lahat ng mga data upang direktang mabibigyan ng tamang pag ayuda o tulong ang mga residente ng Quezon.