LIBRENG GULAY, PINAMIGAY SA ISANG OSPITAL SA BAYAMBANG

Sari-saring gulay ang ipinamahagi sa Bayambang District Hospital (BDH) ng ilang pribadong botika at klinika katuwang ng Municipal Nutrition Action Office.

Ayon sa ulat, isinagawa ang pamamahagi bilang bahagi ng inisyatibo ng pribadong sektor na naglalayong magbigay ng karagdagang suporta sa mga kawani, pasyente at mga watcher sa ospital.

Kabilang sa mga ibinigay ang basket ng siling green, kamatis, upo at kalabasa, na inilatag sa bahagi ng ospital upang pantay na maipamahagi sa mga nais makakuha.

Kaugnay nito, itinuturing ang aktibidad bilang bahagi ng adbokasiya para sa malusog at sapat na nutrisyon sa mga komunidad.

Facebook Comments