Patuloy na nagkakaloob ang lokal na pamahalaan ng Taguig ng Libreng Hatid at Sundo para sa mga may sakit habang may pandemya.
Ang pamahalaang lungsod ng Taguig ay may mga transport service na handang bumiyahe at tumugon sa transportasyon ng mga pasyenteng nagda-dialysis, may chemotherapy or radiotherapy sessions, senior citizens, buntis, at mga may kapansanan.
Pero paglilinaw ng Taguig Local Government Unit (LGU), kwalipikadong indibidwal lamang ang makaka-avail sa nabanggit na serbisyo na sasailalim sa check-up at iba medical treatment at hindi kasama ang emergency case sa Taguig o sa iba pang lungsod sa Metro Manila.
Para maka-avail sa serbisyong ito, mag-text sa numerong 0961-734-0834, dalawang araw bago ang takdang mga checkup o medical sessions.
Ang inisyatibo na ito ay ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng Taguig upang tumugon sa pangangailangang transportasyon para sa mga may sakit na walang sariling sasakyan.