May libreng hatid at sundo ngayon ang pamahalaang lokal ng Taguig para sa mga taong may medical conditions.
Ginawa ito ng Taguig City Government para matugunan ang pangangailangan ng mga may sakit na walang sariling sasakyan pero kailangang tumungo sa pagamutan lalo na ngayong may pandemya.
Kaya naman nanawagan ang Taguig City sa kanilang mga constituent na may sakit at may on-going dialysis, chemotherapy or radiotherapy, mga senior citizen, mga buntis at mga may kapansanan na kailangang magpa-check-up para sa medical treatment ay agad na makipag-ugnayan sa kanila para maka-avail ng “Libreng Hatid at Sundo” program.
Kailangan lang ay mag-text sa numerong 0961-7340834, dalawang araw bago ang scheduled check-up or medical sessions.
Kung may kinalaman sa COVID-19 ang concern ay tumawag sa COVID-19 hotline 8-789-3200 or 0966-419-4510.
Para naman sa ibang emergencies na walang kinalaman sa COVID-19, text o tawagan ang Taguig Rescue 0919-070-3112.