Tuloy pa rin ang programang “Libreng Hatid at Sundo” sa Taguig para sa mga may sakit.
Sa ilalim ng programa, ang pamahalaang lungsod ng Taguig ay may inihandang transport service na handang bumiyahe at tumugon sa transportasyon ng mga may sakit.
Kabilang dito ang mga pasyenteng nagda-dialysis, may chemotherapy or radiotherapy sessions, mga senior citizens, buntis at Persons with Disabilities (PWD’s) na kailangang sumailalim sa check-up at iba pang nangangailangan ng medical treatment na hindi emergency case sa Taguig o sa iba pang lungsod sa Metro Manila.
Ang mga nais mag-avail sa serbisyong ito, ay kailangang magtext sa numerong 0961-734-0834 dalawang araw bago ang takdang mga checkup o medical sessions.
Facebook Comments