Sa pagdiriwang ng National Women’s Month 2026, nagsagawa ng magkatuwang na programa ang mga lokal na pamahalaan ng Urdaneta at Villasis na sumusuporta sa kalusugan ng kababaihan.
Nag-alok ang Villasis Municipal Health Office, katuwang ang isang pribadong grupo, ng libreng PAP Smear screening bilang taunang proyekto na naglalayong itaguyod ang regular na check-up at maagang pagdiskubre sa cervical cancer.
Samantala, sa Urdaneta City naman, isinagawa ang libreng back massage at gupit para sa mga residente sa pamamagitan ng Urdaneta City Livelihood Skills Training Center (UCLSTC).
Kabilang sa mga nakinabang ang mga estudyante mula sa Cabuloan Elementary School at Urdaneta National High School.
Ang mga aktibidad ay alinsunod sa pagdiriwang ng National Women’s Month 2026 ngayong Marso upang bigyan ng libreng serbisyo ang mga kababaihan sa kanilang kontribusyon sa lipunan at mga komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










