LIBRENG HEARING AID SA MANAOAG, TINANGGAP NG 32 BENEPISYARYO

Nakatanggap ng hearing aid ang unang batch na binubuo ng 32 benepisyaryo sa Manaoag bilang bahagi ng programa para sa mga Persons with Disabilities.

Ayon sa pahayag, layunin ng ipinamigay na hearing aid na tulungan ang mga benepisyaryo sa mas maayos na pakikipag-usap sa pamilya at komunidad.

Sanib-pwersa ang opisina at samahan ng mga PWD sa bayan, at ilan pang sangay ng lokal na pamahalaan, katuwang ang isang lokal na hearing care provider upang maisakatuparan ang distribusyon.

Sumailalim din sa orientation ang mga benepisyaryo hinggil sa paggamit at pangangalaga ng naturang hearing aid.

Facebook Comments