
Nag-alok ang lokal na pamahalaan ng Caloocan ng libreng Human Immunodeficiency Virus (HIV) testing at counseling services sa mga residente nito.
Ito’y bilang pagpapalakas sa programang pangkalusugan ng lungsod kung saan maaari gawin ang libreng HIV test sa dalawang social hygiene clinic ng Caloocan City Hall-South at Brixton Health Center.
Bukod dito, maaarin din magpa-HIV test sa lahat ng health centers at kinakailangan lamang na magpa-schedule upang maihanda ang mga dapat gawin.
Giit ng Caloocan LGU, malaking tulong ang libreng HIV test upang mapigilan bago pa maging acquired immunodeficiency syndrome (AIDS) ang mga mapapatunayang HIV-positive.
Iginiit pa ng lokal na pamahalaan na ang mga sasailalim sa nasabing pagsusuri ay mananatiling confidential ang impormasyon ay wala dapat ikabahala ang pasyente.
Binigyang diin ng Caloocan LGU na walang puwang ang diskriminasyon para sa mga HIV-positive sa lungsod.










