LIBRENG ILOCOS NORTE TOURPARA SA MGA DELEGADO NG PALARONG PAMBANSA 2025, AARANGKADA

Bukas para sa mga atleta at kalahok sa 2025 Palarong Pambansa ang hatid na libreng Ilocos Norte Tours.
Mayroong dalawang shuttle na sasakyan ng mga tutungo sa north at south zone ng probinsya na magsisimula mula 8:30 AM sa darating na May 28 hanggang 30.
Sa North Tour, tutunguhin ang mga pook-pasyalan tulad ng Cape Bojeador Military Camp, Cape Bojeador Lighthouse at Kapurpurawan Rock Formation sa Burgos, 18 Degrees North, at Bangui Windmills sa Bangui at Saud Beach sa Pagudpud.
Sa South Tour, mapapasyalan ang Malacañang of the North, Paoay Church at Suba Sand Dunes sa Paoay, Ilocos Norte Water Park sa Badoc at Riverside Empanadaan sa Batac City.
First Come, First served ang magiging siste ng programa.
Samantala, naghahanda na ang Department of Education at iba pang ahensya sa nalalapit na pagdaos ng taunang sports competition na Palarong Pambansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments