Epektibo na ang libreng issuance ng Overseas Employment Certificate (OEC), para sa rehired Overseas Filipino Workers (OFWs) o “balik-manggagawa”.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), hindi na magbabayad ng ₱100 ang OFWs na kukuha ng OEC.
Una na ring nailunsad ang “OFW Pass”, sa mobile app na siyang digital alternative para sa OEC.
Nilinaw naman ng DMW, na maaari pa ring gamitin sa loob ng dalawang buwan ang physical OEC hangga’t hindi pa natatapos ang transition sa OFW Pass.
Facebook Comments